Muling ikinasa ng SM group ang Operation Tulong Express (OPTE), sa tulong ng SM Foundation at SM Supermalls, upang agarang makapaghatid ng tulong sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong Egay.
Sa tulong ng OPTE, humigit-kumulang 5,000 benepisyaryo ang nakatanggap ng mga Kalinga Packs.
Ang OPTE ay isang social good program ng SM Foundation, sa pakikiisa ng SM Supermalls at SM Markets. Layunin nito na tugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad sa panahon ng kalamidad at mga krisis.

Nagtungo sa Baggao, Cagayan ang mga volunteers mula sa SM City Tuguegarao at SM Downtown Tuguegarao

Nag-volunteer ang mga taga SM City San Mateo upang maghatid ng Kalinga Packs sa mga nasalanta ng bagyong Egay.